Pangulong marcos, tinawag na “terrible” ang pagkasangkot ni suspended Bucor Chief Bantag sa Lapid Murder Case

Tinawag ni Pangulong Bongbong Marcos na “terrible” ang pagkaka-sangkot ni suspended BuCor Chief Gerald Bantag sa pagpatay sa Broadcaster na si Percy Lapid. Nakakabahala rin daw na tila naghaharian-harian siya sa Bilibid. Tila kumilos daw si Bantag na walang takot na pwede siyang maparusahan. Nais daw pa-imbestigahan ng pangulo kung ano ang nangyari sa loob ng piitan, kabilang ang iba pang mga reklamo laban kay Bantag. Sinabi ‘yan ng Pangulo sa panayam ng mga miyembro ng media sa kanyang pagdating sa Cambodia para sa dadaluhang ASEAN Summit. Dito naman sa Pilipinas, hinamon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Bantag na maghain ng counter-affidavit at harapin na lang ang reklamo laban sa kanya.

#Nakatutok24Oras

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe