Binisita ni Pres. Bongbong Marcos ang Kadiwa ng Pasko site sa may Malanday Covered Court, Valenzuela City ngayong Sabado, Dec. 17. Inihayag ng Pangulo na ang Kadiwa ng Pasko caravan ay munting pagtulong para mapasaya ang taong-bayan ngayong Kapaskuhan. Aniya’y hindi lamang mabibigyan ng pagkakataon ang taumbayan na makabili ng mga kailangan nila sa mas mababang presyo, ngunit mabibigyan din ng pagkakataon ang mga local producer ng mga maliliit na produkto na magkaroon ng merkado o lokasyon para makapagtinda. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph