Fake news o walang katotohanan ang nakasaad sa isang 3-minutong Facebook video na nagpahayag umano ng suporta si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro na nahaharap ngayon sa kaso na isinampa laban sa kanya ng dating modelong si Deniece Cornejo.

Ito ay ayon sa fact-checking page na Vera Files na kamakailan ay hinimay-himay ang mga kini-claim ng nasabing video.

Kabilang dito ang diumano’y pagpapahayag ng suporta at tulong ng pangulo sa kaso ni Vhong.

May pamagat ang nasabing video na “Nagsanib Pwersa na! Raffy Tulfo, Willie Revillame, at Bongbong Marcos Tutulungan si Vhong Navarro.”

Ibinahagi ito ng Facebook page na Smith TV noong September 30 at agad naging viral sa iba’t ibang social media platform tulad ng YouTube at TikTok matapos itong ipost ng nasabing page sa kanilang sariling channel at account.