Watch the rest of my videos here: https://youtube.com/playlist?list=PLs_mnKDI5nQqFxsU__Ch4FajXKokq9xwC&si=IrXHvsCY5rSt-Xz3
CTTO: @RTVMalacanang
PCO USEC. CASTRO: At bago tayo magtapos: Tatlong dekadang paghihintay para sa inaasam na sariling bahay, nagbunga na para sa ilang pamilya sa Marikina.
Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maghatid ng disente at may dignidad na pabahay sa mga Pilipino, 44 beneficiary-families mula sa Barangay Malanday, Marikina ang nakatanggap ng transfer certificates of title sa ilalim ng Expanded 4Ph Program ng pamahalaan.
Sa isang seremonya na ginanap kahapon, July 15, pinangunahan ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at Social Housing Finance Corporation President Federico Laxa ang awarding ng mga transfer certificates sa mga miyembro ng Samahang Magkakapitbahay ng Purok 3 Homeowners’ Association Incorporated Phase II-A. Ikinagagalak ng mga beneficiaries na sa wakas, matapos ang ilang taon nang paghihintay ay naisakatuparan na ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan dahil kung noon sila ay informal settlers, ngayon ay ganap nang homeowners.
Noong July 8 naman ay pinangunahan din ng DHSUD at Pag-IBIG ang turnover at inspection ng mahigit 8,000 house-and-lot units sa ilalim pa rin ng Expanded 4Ph Program ni Pangulong Marcos Jr. Pinangunahan ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta ang awarding sa Brentwood Residences at Kaia Homes sa Tarlac. Ang nasabing awarding at inspection ay bahagi ng mas pinaigting na inisyatiba ng DHSUD at Pag-IBIG Fund na maghatid ng mas maraming housing options para sa mga Pilipino.
Muli, alinsunod ito sa hangarin ni Pangulong Marcos Jr. na patuloy na tulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng sariling tahanan.
At lagi po nating tandaan: Ang bagong Pilipino ay hindi basta-basta sumusuko, hindi magagalit, at hindi mangangatog kahit sa imbestigasyon ay siya ang maturo.
At dito na po nagtatapos ang ating press briefing. Magandang araw para sa Bagong Pilipinas.
44 PAMILYANG BENEPISYARYO SA BGY. MALANDAY, MARIKINA - NATANGGAP NA ANG TITULO NG BAHAY
Real EstatePublished 1 days ago13 views