BBM & Duterte Impeachment: How the Supreme Court’s Controversial Rulings Sabotaged Accountability.

FeaturedPublished 7 months ago12 views

BBM & Duterte Impeachment: How the Supreme Court’s Controversial Rulings Sabotaged Accountability.

FeaturedPublished 2/11/2026
Sa episode na ito ng podcast, kasama ko si Ronald Llamas para talakayin ang kontrobersyal na mga desisyon ng Supreme Court kaugnay ng impeachment ng Pangulo at Bise Presidente. Pinag-usapan namin kung paanong ang interpretasyon ng SC — na para sa ilan ay umaabot na sa judicial overreach o de-facto amendment ng Konstitusyon — ay binabago ang mga patakaran ng impeachment sa kalagitnaan ng laro. 📌 Sa usapan na ito, tinalakay namin: • Ano ang laman ng ikalawang ruling ng SC • Bakit sinasabing pinapahina nito ang accountability ng mga nasa kapangyarihan • Paano nito naaapektuhan ang impeachment ng Pangulo at VP • Bakit tila lumalakas ang kultura ng impunity, lalo na sa mga makapangyarihan • May tsansa pa ba ang impeachment na umusad at mauwi sa conviction? Hindi ito usapan ng personalidad o kulay ng pulitika. Ito ay usapan ng checks and balances, rule of law, at kung may saysay pa ba ang impeachment bilang mekanismo ng pananagutan sa Pilipinas. 💬 Ano sa tingin mo — nililinaw ba ng SC ang batas, o binabago na nito ang laro?