HIGIT 200 APPLICANTS ABROAD, NAILIGTAS SA ILLEGAL ACCOMODATION SA MAYNILA AT CAVITE #ifmlucena

PoliticsPublished 3 months ago17 views

HIGIT 200 APPLICANTS ABROAD, NAILIGTAS SA ILLEGAL ACCOMODATION SA MAYNILA AT CAVITE #ifmlucena

PoliticsPublished 6/11/2026
HIGIT 200 APPLICANTS ABROAD, NAILIGTAS SA ILLEGAL ACCOMODATION SA MAYNILA AT CAVITE Nasagip ng department of migrant workers sa mga iligal na tirahan ang mahigit sa dalawang daang overseas filipino workers applicants ng ilang recruitment agencies sa cavite, pasay at maynila. May kabuuang 206 katao ang nailigtas mula sa mga pasilidad na hindi umano rehistrado at walang tamang pamantayan sa pag-aaruga ng mga aplikante. Karamihan sa mga ito ay mga caregiver na naghihintay ng deployment sa gitnang silangan. Sa nasabing bilang, 151 katao ay pawang narescue sa kamaynilaan at 55 sa mga ito mula naman imus, cavite sa mga akomodasyon na pinatatakbo ng ilang recruitment agencies. Sabi ni migrant workers secretary hans leo cacdac, may pagkakataon na dalawampung katao ang nagsisiksikan sa maliit na unit. Libre ang tirahan, pero kung sakaling umatras ang aplikante sa proseso ay pinagbabayad ito ng tatlong beses sa kanilang gastos. #ifmlucena #ifmnews #ifmnewslucena #tatakrmn #rmnnetworknews