Watch the rest of my videos here: https://youtube.com/playlist?list=PLs_mnKDI5nQqFxsU__Ch4FajXKokq9xwC&si=IrXHvsCY5rSt-Xz3
CTTO: @RTVMalacanang
PCO USEC. CASTRO: Alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhin na walang patid ang serbisyong-medikal sa taongbayan, nagpapatuloy ang paghahatid ng serbisyo ng Doctors to the Barrios ng Department of Health sa pangunguna ni Secretary Ted Herbosa.
Sa tala ng DOH, umabot sa halos 500 na mga doktor ang nai-deploy ngayong taon sa mga fourth, fifth at sixth class municipalities at geographically isolated and disadvantaged areas sa pamamagitan ng DOH Doctors to the Barrios (DTTB) program. Alinsunod din sa utos ng Pangulo, mas pinadali at mas pinabilis na rin ngayon ng ahensiya ang pagkuha ng medical assistance ng mga pasyenteng lubos na nangangailangan. Sa utos ng DOH, kahit sino ay puwede nang makakuha ng medical assistance mula sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng Electronic Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (EMAIFIP).
Kalusugan inaalagaan, buhay iniingatan, iyan ang nais ng Pangulo!
At lagi nating tandaan: Ang Bagong Pilipino ay gumagalang sa buhay ng bawat tao, maka-Diyos at makabayan, at hindi nag-uutos na kumitil ng buhay. At dito na po nagtatapos ang ating press briefing, magandang araw para sa Bagong Pilipinas.
KAHIT SINO AY PUWEDE NANG MAKAKUHA NG MEDICAL ASSISTANCE VIA EMAIFIP MULA SA DOH
Health & WellnessPublished 3 days ago2 views