Sinamahan ni Mayor Isko Moreno Domagoso sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at mga miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pag-inspeksiyon sa isang flood control project sa Maynila - ang Sunog Apog Pumping Station sa Tondo.
Tinatayang halos ₱1 bilyon na ang nagastos ng gobyerno para sa nasabing pumping station na sinimulan noong 2017 at natapos noong 2020. Subalit, tatlong beses itong hindi tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa mga depektibong mekanismo na naging dahilan upang hindi ito magamit.
Giit ni Mayor Isko, handa ang pamahalaang lungsod na makipagtulungan sa masusing pagsusuri ng mga flood control project upang masiguro na mapakikinabangan ito ng taumbayan at tunay na makatutulong sa paglutas ng problema sa baha.
Mayor Isko Moreno Domagoso | Sep 24, 2025
LIVE: Ambush interview | 1B Project, Nasayang! Sunog Apog Pumping Station Inspection | Mayor Isko
PoliticsPublished 11 months ago15 views