Tayo rin po ay mga magulang. At bilang mga magulang, hangad nating mapanuto at magabayan ang buhay ng ating mga anak tungo sa kanilang ikabubuti.
Batay na rin sa rekomendasyon ng City Prosecutors Office at gabay ng Commission on Human Rights, ating ire-release ang mga menor de edad na na-rescue natin noong Linggo, September 21, sa kasagsagan ng anti-corruption rally sa Mendiola.
Personal nating nakausap ang mga magulang ng mga batang ito at ibinalita natin sa kanila, bilang kapwa magulang na nag-aalala para sa kanilang mga anak, na ang mga menor de edad ay pakakawalan na.
Gayunpaman, bilang consequence ng kanilang naging aksyon, sila ay magsisilbi ng community service kasama ang kanilang mga magulang, sa pangangasiwa ng ating Manila Department of Social Welfare sa pamumuno ni Direktor Jay Dela Fuente. Layunin nito na pagmunihan nila ang kanilang naging inaksyon noong Linggo.
Tayo po ay magiging makatarungan. Hangad natin dito sa Maynila ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa. Nakikinig tayo sa batas at sa mga eksperto.
At para sa ating mga anak — nawa’y matuto kayo mula sa inyong ginawa. Pakiusap, maawa kayo sa inyong mga magulang na labis na nag-aalala at wagas na nagmamahal sa inyo.
Mayor Isko Moreno Domagoso | Sep 25, 2025
LIVE: Mayor Isko Moreno Talks to Parents of 48 Minors Caught in September 21 Protest Tr0uble
PoliticsPublished 11 months ago29 views