#shorts Tiniyak ni House Justice Committee Chair at Batangas Rep. Gerville Luistro sa publiko na magiging patas, balanse, at alinsunod sa umiiral na batas ang pagtalakay sa tatlong impeachment complaints na inihain laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, mahigpit na susundin ng komite ang itinakdang mga hakbang at legal na proseso upang matiyak na mabibigyan ng sapat at makatarungang pagsusuri ang bawat aspeto ng mga reklamong inihain laban sa Bise Presidente.
Ipinaliwanag ng mambabatas na ang parehong pamantayan, deliberasyon, at approach na ginamit ng House Justice Committee sa paghawak ng mga naunang impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong†Marcos Jr. ang siya ring ipatutupad sa kasalukuyang mga reklamo laban kay Duterte.
“The people of the Philippines are assured na kung anong naging parameter, anong naging deliberation, anong naging approach ng Justice Committee in handling the impeachment complaints against the President will be adopted for the purpose of evaluating and determining as well the sufficiency in form and substance with respect to the impeachment complaints against the Vice President,†ani Luistro.
Dagdag pa niya, kapag napatunayang sapat ang mga reklamo sa porma at nilalaman o “sufficiency in form and substance,†saka pa lamang ito dadaan sa mas masusing pagtalakay ng komite. Matapos nito, maaari itong iakyat sa plenaryo para sa susunod na hakbang ng proseso ng impeachment, alinsunod sa itinatakda ng Konstitusyon.
Binigyang-diin ni Luistro na layunin ng komite na panatilihin ang integridad ng proseso at tiyakin na ang anumang desisyon ay nakabatay sa ebidensya at batas, hindi sa pulitika. #bbm #duterte #saraduterte #pbbm #marcos
MAGIGING PATAS’ — LUISTRO, TINIYAK ANG DUE PROCESS SA IMPEACHMENT NI VP SARA
FeaturedPublished 6 months ago19 views