#philstarnews #bongbongmarcos #saraduterte
'WALA PO ITONG ANUMANG EBIDENSIYA'
Pinabulaanan ng Malacañang ang mga paratang ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Bongbong Marcos kaugnay ng umano'y pagbabanta ng presidente sa kanya noong 2024.
"Hindi po ito nabanggit ninuman o nabanggit man lang niya noong panahon na sinasabing siya ay inaatake noong 2024 pa. Wala rin po siyang nabanggit patungkol sa sinasabing threats way back 2023," ani Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing ngayong Lunes, Sept. 7.
Ayon kay Castro, lumutang lamang ang mga alegasyon matapos makuwestiyon ang bise presidente kaugnay ng pagbabanta sa buhay nina Marcos, First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Dagdag niya, ang bise presidente mismo ang nagsabing siya umano ay may nakilalang hitman at nagkaroon silang pagkakasundo.
Video by RTVM
Malacañang pinabulaanan ang mga paratang ni VP Sara laban kay Marcos
PoliticsPublished 2 hours ago31 views