Martin Romualdez vs plunder case, expired na gamot ng DOH, at big time oil price increase, tutukan!

Health & WellnessPublished 3 days ago18 views

Martin Romualdez vs plunder case, expired na gamot ng DOH, at big time oil price increase, tutukan!

Health & WellnessPublished 9/8/2026
September 8, 2026 Episode Samahan si Korina Sanchez-Roxas sa #MEMO—usapang totoo na may talino at puso para mas maunawaan ang mga nangyayari sa ating paligid, dito lang sa Bilyonaryo News Channel. May mga malalaking usaping legal at pampolitika na muling gumimbal sa bansa ngayong linggo. Tutukan ang ating pakikipagtalakayan kay dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President Atty. Domingo Cayosa upang himayin ang mga legal at constitutional issues sa pag-aresto kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng ₱7.44-billion plunder case, pati na rin ang pagka-aresto kay Vice President Sara Duterte. Busisiin natin ang epekto ng recanted testimonies ng tinaguriang "maleta boys," ang legality ng hospital confinement under custody, at ang implikasyon nito sa nagpapatuloy na impeachment trial at disbarment complaints. Mula sa mga usaping ito sa hustisya, sasalain din natin ang kontrobersya sa sektor ng kalusugan—ang napabalitang ₱217-million halaga ng mga expired medicines at vaccines ng DOH na umano'y ibinaon lamang sa lupa. Makakapanayam natin si Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan upang alamin kung sino ang dapat managot sa matinding kapabayaan sa procurement, inventory management, at distribution ng mga gamot, pati na rin ang mga isinusulong na reporma sa PhilHealth Gamot Program. Mababawasan din ba ang pasanin ng mga kababayan natin kasunod ng sunod-sunod na oil price shock dulot ng tensyon sa pagitan ng U.S. at Iran at ng patuloy na paghina ng piso? Makakausap natin si Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad upang talakayin ang mga konkretong hakbang ng gobyerno, ang posibleng paggamit ng energy emergency powers, at ang mas mahigpit na monitoring sa mga oil companies upang maprotektahan ang mga driver at consumer sa matinding taas-presyo sa petrolyo. 🕥 7:30 a.m., Mondays - Fridays 📺 Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV 📱 Cignal Play, BNC YouTube and Facebook Visit our website: https://bnc.bilyonaryo.com Check out our official social media accounts: https://www.facebook.com/bncphl https://twitter.com/bncdotph https://www.instagram.com/bnc.ph https://www.tiktok.com/@bnc.ph https://www.youtube.com/@bncphl #bilyonaryonewschannel #bnc #memo #latestnews Warning: Unauthorized use of any BNC videos without proper approval will lead to legal action to the fullest extent of the law.