Kahit nasa gitna tayo ng krisis, hindi po natin kukunsintihin ang sinumang matutuksong mamerwisyo ng kapwa.
Sumuko na sa Manila Police District (MPD) ang dalawang indibidwal na sangkot sa insidente ng basag-kotse sa Maceda Street, Sampaloc—sina John Paul Flores at John Kerim Buan Torres—matapos ang ating naunang babala noong nakaraang linggo. Si Flores, na siyang nagmaneho ng motorsiklong ginamit sa pagtakas, ay sumuko sa Special Mayor’s Reaction Team (S.Ma.R.T.), habang si Torres naman ay sumuko sa MPD Intelligence Division.
Sa mga tolongges diyan, tigilan niyo na ‘yan. Huwag ninyong subukin ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
At kay John Devhon Meneses, ang sinasabing leadman ng grupong ito—sumuko ka na. Tulad ng mga dati naming kinalawit, hahabulin ka namin saan mang sulok ng Pilipinas ka magtago.
Lagi po natin tandaan: hindi dahilan ang hirap ng buhay para gumawa ng kalokohan. Mga kababayan, may gobyerno na po sa Lungsod ng Maynila at makakaasa kayo na pananagutin natin ang mga nang-aabuso sa kanilang kapwa.
MGA SIGA AT KINAKATAKOTAN SA MAYNILA. NAM BABASAG NG SALAMIN NG SASAKYAN. BIGLANG BUMAIT KAY YORME
PoliticsPublished 5 months ago8 views