NAHULI NA ANG PIANAKA MAGALING NA MAGNANAKAW SA MAYNILA.

PoliticsPublished 11 months ago19 views

NAHULI NA ANG PIANAKA MAGALING NA MAGNANAKAW SA MAYNILA.

PoliticsPublished 9/25/2025
Nakakalungkot po na isang kawani ng pamahalaang lungsod ang mismong nagnakaw sa atin. Nahuli ng Special Manila Reaction Team (S.Ma.R.T.) ang isang empleyado ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) na nagnakaw ng Resigen insecticide mula sa storage facility sa Delpan Evacuation Building. Aabot sa halagang ₱2,184,000.00 ang ninakaw na 20 kahon na naglalaman ng tig-240 bote. Sa kanilang isinagawang operasyon, nakumpiska rin ang 12 bote ng Resigen insecticide na nagkakahalaga ng ₱150,000.00 at ₱140,000.00 na cash. Ang unang suspek ay kinasuhan ng Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code, habang ang isa ay kinasuhan ng Fencing sa ilalim ng Presidential Decree 1612 dahil sa pagbili ng ninakaw na insecticide. Sa ating mga kapwa kawani ng pamahalaan: tandaan po natin na tayo ay may sinumpaang tungkulin na maglingkod nang tapat para sa ating mga nasasakupan. Huwag nating tularan ang ganitong uri ng maling gawain.