Watch the rest of my videos here: https://youtube.com/playlist?list=PLs_mnKDI5nQqFxsU__Ch4FajXKokq9xwC&si=IrXHvsCY5rSt-Xz3
CTTO: @RTVMalacanang
PCO USEC. CASTRO: At bago tayo magtapos: Good news para sa mga Pilipino na naghahangad magkaroon ng sariling bahay. Ibinaba na ng Pag-IBIG ang kanilang promotional interest rates habang itinaas naman ang maximum home loan amount.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas accessible ang home ownership para sa mga Pilipino. Sa ilalim ng expanded 4PH Program ng Pangulo, ginawang mas posible ito.
Upang bigyan ng karagdagan at mas magaan na financing options ang mga homeowners, ibinaba na ng Pag-IBIG sa three percent ang subsidized rates para sa mga socialized housing borrowers habang ang promotional rates ay nasa four point five percent para sa low-cost homes at five point seventy-five percent naman para sa open-market homes.
Itinaas din ng Pag-IBIG ang maximum housing loan amount nito sa Ten million pesos para mas maengganyo ang mas maraming Pilipino na magpundar ng sariling bahay. Kahit ano pa ang budget mo, may house financing option na angkop para sa iyo.
Naging posible ang mga hakbang na ito dahil sa maingat na pagma-manage ng pondo at pagpapahiram ng pera ng Pag-IBIG sa mga miyembro nito. Mas abot-kayang monthly payments at mas maraming housing options para sa ating mga kababayan. Iyan ang nais ni Pangulong Marcos Jr. para sa bawat Pilipino.
PAG-IBIG : LOWER PROMOTIONAL INTEREST RATES ; HIGHER MAXIMUM LOAN AMOUNT (EXPANDED 4PH PROGRAM)
Real EstatePublished 16 hours ago6 views