#philstarnews
Binigyang-diin ng Malacañang na walang nangyaring “panlalaglag” kasunod ng pagkakaaresto kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro, hindi umano niya gusto ang paggamit ng salitang “nilaglag,” dahil nananatiling neutral si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin.
Giit ni Castro, proseso at batas ang umiiral at walang gawa-gawang kaso laban kay Romualdez. Aniya, nakitaan ng Office of the Ombudsman ng sapat na basehan ang kaso, dahilan upang masampahan ang dating House Speaker ng kasong plunder.
Video by RTVM
Palasyo, itinangging may panlalaglag kay Martin Romualdez
PoliticsPublished 2 days ago12 views