PBBM Nag-Launch ng Subsidized Rice sa Maynila, 80K Benepisyaryo Target!

PoliticsPublished 4 months ago13 views

PBBM Nag-Launch ng Subsidized Rice sa Maynila, 80K Benepisyaryo Target!

PoliticsPublished 4/16/2026
PBBM Nag-Launch ng Subsidized Rice sa Maynila, 80K Benepisyaryo Target! GOOD NEWS para sa mga kababayan sa Maynila. Inilunsad ni Ferdinand Marcos Jr. ang isang subsidized rice program na layong maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at langis sa buong mundo. Sa ilalim ng programang “Biyayang Bigas para sa Maynila,” tinatayang nasa 80,000 low-income residents ang makakatanggap ng tig-10 kilong bigas hanggang anim na beses kada taon. Pinili ang Manila bilang unang rollout dahil sa mabilis na koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Isko Moreno kasama si Vice Mayor Chi Atienza. Ayon kay PBBM, mas epektibo ang direktang pagbibigay ng pondo sa mga LGU dahil sila ang mas nakakakilala kung sino talaga ang nangangailangan, kumpara sa centralized na listahan na maaaring outdated na. Sa ngayon, halos P15 bilyon na ang inilabas ng gobyerno para pondohan ang programa, na inaasahang palalawakin pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan. Target ng programa ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang sektor tulad ng retail, janitorial, security, maintenance, at food service. Kasabay nito, personal pang nagbuhat si Pangulong Marcos ng mga sako ng bigas sa event, bilang sagot sa mga isyung kumukwestyon sa kanyang kalusugan.