QUAD COMM SA 20TH CONGRESS
Ang mga pinuno ng House Quad Comm ay nananawagan na muling buuin ang malawakang imbestigasyon sa 20th Congress para tapusin ang mga usapin tungkol sa drug-related killings, katiwalian, at Chinese-linked syndicates.
Ayon kay Rep. Bienvenido “Benny†Abante Jr., hindi dapat kalimutan ang mga natuklasan sa nakaraang Kongreso dahil ito ay tunay na realidad. Binanggit din ni dating Rep. Robert Ace Barbers ang pagprotekta sa mga mahahalagang testigo at ng pag-institutionalize ng iba't ibang komite parte ng imbestigasyon.
Para naman kay dating Kinatawan ng Sta. Rosa City na si Dan Fernandez, na naging tagapangulo ng Committee on Public Order and Safety, ang pangunahing tanong ay hindi na kung naganap nga ba ang mga pang-aabuso, kundi kung may sapat bang 'political will' ang bansa na panagutin ang mga sangkot na makapangyarihang indibidwal.
Matatandaan na pinangunahan nina Rep. Paolo Ortega at Rep. Zia Alonto Adiong ang panawagan para sa muling pagbubuo ng Quad Comm upang harapin din ang mga bagong isyu tulad ng panggigipit sa whistleblowers at mga dayuhang kriminal.
👉Like, Share, and Subscribe for more Congress TV News!
📢 Maghahatid ng Tunay na Kaganapan sa Loob ng Kongreso!
✅FB: congresstvdigital
✅IG: congresstvdigital/
✅TIKTOK: @congresstvdigital
✅X: CongressTVD
#Congresstvdigital #CongressTV #QuadComm #20thCongress
QUAD COMM SA 20TH CONGRESS
FeaturedPublished 11 months ago18 views