“Bilyon-bilyon ang pondo sa flood control, pero bakit Senado at Kongreso ang laging nakikita nating nag-iimbestiga—hindi ang Ombudsman o Sandiganbayan?
Simple lang.
👉 Ang Senado at Kongreso ay may oversight power at tungkulin na bantayan kung tama ang paggamit ng budget na sila rin ang nag-apruba. Public hearing, expose, at privilege speeches ang paraan nila para ilantad sa taumbayan ang anomalya.
👉 Pero tandaan, fact-finding at policy making lang ang kaya nila. Wala silang kapangyarihan magpakulong.
👉 Ang Ombudsman naman ang independent investigative body na kayang magsampa ng kaso laban sa mga opisyal.
👉 At ang Sandiganbayan ang korte na nagdedesisyon kung guilty o hindi ang mga public officials na kinasuhan.
Kaya imbestiga man ng Senado, ang tunay na laban ay nasa Ombudsman at Sandiganbayan. Ang tanong—umaabot ba talaga sa korte ang mga expose ng flood control corruption?â€
#NowYouKnowPH
#FloodControl
#FundControl
#CorruptionExposed
#Senado
#Kongreso
#Ombudsman
#SandiganBayan
#GoodGovernance
#AntiCorruption
SENATE AND CONGRESS SCAM! #short #floodcontrol #corruption
FeaturedPublished 11 months ago14 views