Tax records ni Sara Duterte, pinayagang buksan ni Marcos

PoliticsPublished 1 months ago17 views

Tax records ni Sara Duterte, pinayagang buksan ni Marcos

PoliticsPublished 7/30/2026
#philstarnews Kinumpirma ng Malacañang na binigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pahintulot ang Bureau of Internal Revenue na isumite sa Senate Impeachment Court ang tax records nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Mans Carpio. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, ginawa ito ng Pangulo bilang pagsunod sa batas at proseso, at upang hindi hadlangan ang paghahanap ng katotohanan sa impeachment trial. "Kahit ano pang sabihin ng iba, basta ang alam ng Pangulo, siya ay tumutupad sa proseso, siya ay tumutupad sa batas, kahit siya pa ay paringgan o bigyan ng negatibong impresyon, hindi matitinag ang Pangulo, basta siya ay sa batas at sa proseso," Video by RTVM