#iskomorenodomagoso #iskomoreno #iskosupporters #yormeschoice #dds #duterte #dutertelegacy #manilaupdate #iskonian #yormeiskomoreno #iskomorenosupprter #youtube #trending #trendingvideo #pbbm #viral #viralvideo
MAHIGIT 1,000 MANILEÑO, NAKATANGGAP NG KABUHAYAN CAPITAL ASSISTANCE MULA SA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA
Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno†Domagoso ang pamamahagi ng Kaagapay sa Kabuhayan Capital Assistance sa 1,020 benepisyaryo na ginanap sa San Andres Sports Complex, Mayo 7.
Ito ay sa ilalim ng Kabuhayan Program ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na layuning magbigay ng tulong-pinansiyal sa mga indibidwal at pamilyang nais makapagtatag at makapagpatuloy ng maliliit na kabuhayan.
Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng tig-P5,000 bilang dagdag na puhunan upang masuportahan ang kanilang maliit o umiiral nang negosyo, mapalakas ang kanilang kabuhayan, mapalawak ang operasyon, at makamit ang mas matatag na kalagayang pinansiyal.
Kasabay din ng cash assistance ang pamamahagi ng mga starter kit para sa bread and pastry, cookery, skin care, nail care, unisex haircutting, hairdressing, at massage bilang dagdag na kagamitan upang higit pang mapaunlad ang kanilang mga hanapbuhay.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Isko ang mga benepisyaryo na gamitin nang maayos ang tulong na ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at kabuhayan.
Binigyang-diin din ni Mayor Isko na mahalagang mabawasan ang hirap na dinaranas ng mga Manileño sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disenteng pagkakakitaan at suporta mula sa pamahalaan.
“Kung meron man kayong naumpisahan na, pahalagahan at payabungin ninyo. Dapat positive ang mindset,†dagdag pa niya.
(Photos by Jurek Castro/ManilaPIO)
#ManilaPIO
#AlertoManileño
#iskosupporters #yormeschoice #dds #duterte #dutertelegacy #manilaupdate #iskonian #yormeiskomoreno #iskomorenosupprter #youtube #trending #trendingvideo #pbbm #viral #viralvideo #iskomorenodomagoso
YORME NAMAHAGI NG PANGKABUHAYAN PROGRAM PARA SA MGA BATANG MAYNILA @Manetvvlogs
PoliticsPublished 3 months ago11 views